Umiwas sa taho vendor…. SUV bumangga sa pader: 3 dedo
MANILA, Philippines - D edo ang tatlong katao habang lima pa ang nasa malubhang kalayagan kabilang ang anak ng isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) makaraang umiwas sa taho vendor at sumalpok sa pader ng Barangay hall ang sinaÂsakyan nilang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni P/Supt. Arnold Santiago, hepe ng QCPD Traffic Enforcement Group, ang mga nasawi na sina Jefrey Flores, 22, binata, ng #202 Meton St., Barangay Commonwealth, Quezon City; Juliet Montefalco, 20, dalaga, ng #911 San Pascual St., Brgy. Commonwealth at Lila Romero alyas Lola Lila, 60, ng Bagong Pagasa, Brgy. commonwealth, Q.C.
Nakaratay ngayon sa St. Lukes Memorial Medical Center dahil sa tinamong mga galos at malubhang pagkalasog ng katawan si Mark EleaÂzar Lipana, 24, anak nÂg opisyal ng QCPD na si P/Sr. Supt. Popoy Lipana at residente ng East Fairview sa lungsod.
Nagtamo naman ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan na ngayon ay ginagamot sa East Avenue Medical Center (EAMC) sina Felipe Rose, 18, ng Don Fabian St., Brgy. Commonwealth; Kimberly Mangaring, 16, ng San Pedro St., Brgy. Commonwealth; Ronilo Dario, 27, ng Katarungan St., Brgy. Commonwealth; Francis Erice Taguba, 24, ng BIR Village, pasahero ng FX taxi, residente ng Brgy. Sauyo, at isa pang pasahero na si Fernando Teodoro, 19, ng Brgy. East Fairview.
Sa imbestigasyon ni PO2 Alfredo B. Moises ng Traffic Sector 5, ganap na alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Commonwealth Ave., Barangay Commonwealth, QC.
Galing sa Philcoa ang kotseng Mitsubishi Montero Sport (TZI-993) na sinasakyan nina Teodoro, Taguba na minamaneho ni Lipana.
Habang matulin na binabaybay ng kotse ang Commonwealth Ave. patungo ng Fairview at pagsapit sa Manggahan Talipapa ay bigla na lamang tumawid ang hindi nakilalang taho vendor kaya kinabig ang manibela ng sasakyan hanggang mawalan ng balanse at sinuyod ang mga sugatang biktima bago sumalpok sa konkretong pader ng Barangay Hall.
- Latest