^

Police Metro

Parking attendant ginulpi ng mayor at bodyguards

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nanghiram ng mukha sa aso ang isang parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na siya ay pagtulungang gulpihin ng isang lalaki na nagpa­kilalang mayor at mga bodyguards nito kamakalawa ng  hapon sa  Mabini St., Maynila.

Sa ulat ni MTPB chief Carter Logica, bago naga­nap ang pagbugbog dakong alas-3:00 ng hapon sa biktimang si Joseph Purisima ay nakita nito dakong alas-6:30 ng umaga ang nakaparadang puting Starex van (ZSZ-458) sa harap ng Prestige Salon and Barber shop sa Mabini St.

Tinanong ng biktima ang isang lalaki kung magtatagal sa lugar na sinagot na sandali lamang silang paparada kaya’t hindi sila titikitan sa loob ng 15 mi­nuto.

Subalit, tumagal hang­gang alas-3:00 ng ha­pon ang pagpaparada kung kaya’t sinabihan ni Pu­risima ang lalaki na kaila­ngan na nilang mag­ba­ yad.

Dito na lumabas ang nagpakilalang mayor at agad na sinapak si Purisima kung saan nakibugbog na rin ang   tatlo umano nitong bodyguards.

Nang makitang ma­rami ang nakatingin, ma­bilis na umalis ang hindi pa nakikilalang mga suspek, subalit ayon sa ilang saksi,  ang may-ari umano ng barbershop ang bumugbog kay Purisima.

Nang hingan ang Luneta PCP ng report sa insidente ay ibinigay ng pulis sa biktima ang plakang XKL-525 gayung nakita ng biktima na ang plaka ay ZSZ-458.

 

vuukle comment

CARTER LOGICA

JOSEPH PURISIMA

MABINI ST.

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

NANG

PURISIMA

SALON AND BARBER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with