Espina bagong CDS ng PNP
MANILA, Philippines - Itinalaga kahapon biÂlang bagong Chief of the Directorial Staff (CDS) o number 4 man ng PhiÂlippine National Police (PNP) si P/Director LeoÂnardo Espina matapos itong alisin na bilang ComÂmander ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kinumpirma ni PNP-Public Information Office (PNP-PIO) Chief P/Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac.
Ayon kay Sindac, bilang bahagi ng revamp sa PNP, si Espina ay itinalaga sa nabakanteng puwesto bilang Chief of the Directorial Staff (CDS).
Gayunman, hindi naman nagbigay ng detalye si Sindac kung sino ang hahalili sa binakanteng poÂsisyon ni Espina sa pagsasabing abangan na lang ang susunod na kabanata .
Samantalang matunog naman sa nasabing puwesto para maging susunod na NCRPO Commander si Police Regional Office (PRO) 7 Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo.
- Latest