^

Police Metro

Bagong laya inutas

Ricky T. Tulipat, Jam Krisette Nuñez - Pang-masa

MANILA, Philippines -Walong-araw pa la­mang nakakalaya sa Mun­tinlupa Bilibid Prison ang isang lalaki nang ito ay pagbabarilin ng limang kalalakihan kaha­pon ng umaga sa Brgy. Central, Quezon City.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa katawan ang biktima na nakilalang si Joker Tagumpay, 34, tubong Parang, Maguindanao.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima sa nakuhang identification card at sa dala nitong certificate of discharge na may petsang Hunyo 25, 2013 mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa dahil sa kasong illegal possesion of firearm.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga ay nag­lalakad ang biktima sa may Cadena de Amor St., Brgy. Central nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek.

Ayon sa pahayag ng saksing si Felicito Lustero, na bago binaril ang biktima ay napansin niya ang mga suspek na kahinahinala ang kilos na may minamanman sa lugar.

Narekober sa lugar ang ilang bala ng kalibre 45; isang basyo ng bala ng 9 mm.

vuukle comment

AMOR ST.

AYON

BATAY

BILIBID PRISON

BRGY

FELICITO LUSTERO

JOKER TAGUMPAY

NEW BILIBID PRISON

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with