^

Police Metro

Binata kinatay ng karibal

Cristina Go-Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang binata ang kinatay ng kanyang nagselos na kapitbahay na kanyang karibal sa pan­liligaw sa isang dalaga sa Gen. Trias, Cavite City ka­makalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Harold Bangati 30, binata, maintenance at residente ng Section-E, Block 11, Lot 9, Tropical Village, Pabahay, Barangay San Francisco Gen. Trias Cavite City.

Ang suspek na ngayon ay tinutugis pa ng pulis­ya ay si Jhune Villon, 39, binata, kapitbahay ng bik­tima.

Sa imbestigasyon ni PO2 Darwin Manalo, may hawak ng kaso, nabatid na ang insidente ay naganap dakong ala-1:45 ng hapon ng magkasalubong ang biktima at suspek sa loob ng nasabing village.

Nagkaroon pa umano ng komprontasyon ang dalawa hinggil sa isang dalaga na kapwa nilang nililigawan.

Sinasabing nagselos ang suspek dahil mas malapit ang dalaga sa biktima kaya nang magkita at magkasalubong ang dalawa ay agad na bumunot ng patalim ang una at inun­dayan ng sunud-sunod na saksak ang huli.

Nang bumulagta ang biktima dahil sa dami ng saksak na tinamo ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang patalim na ginamit sa krimen.

Nagsasagawa ngayon ng follow-up operation ang pulisya upang madakip ang suspek at mapanagot sa ginawang krimen.

vuukle comment

BARANGAY SAN FRANCISCO GEN

CAVITE CITY

DARWIN MANALO

HAROLD BANGATI

ISANG

JHUNE VILLON

NAGKAROON

TRIAS CAVITE CITY

TROPICAL VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with