^

Police Metro

5 buwang fetus natagpuan sa urinal

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Kung hindi pa umali­ngasaw ang baho ay hindi matutuklasan ang bangkay ng isang limang buwan fetus na nakalublob sa urinal ng comfort room ng mga kalalakihan sa isang gas station sa Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ng isang Doresa Olaya, 42, utility worker/caretaker ang fetus sa urinal ng Caltex gas station na matatagpuan sa Quirino Highway, Forest Hill, Brgy. Gulod Novali­ches.

Ayon kay Olaya, mag­li­linis sana siya ng comfort room nang mapuna niya ang masangsang na amoy na tila nabubulok na hayop sa loob nito.

Nang kanyang inspeksyunin ay nakita nito ang fetus na nakalublob.

Ayon sa  mga kawani ng gas station wala silang napunang kakaibang nangyari sa  banyo o sinumang tao na pumasok sa kubeta na maaaring nagtapon ng nasabing fetus.

Ayon sa pulisya maa­ring lalaki din ang nagtapon ng fetus para hindi mahalata dahil imposibleng gumamit ng CR ang mga babae sa mga pi­nasukan ng mga lalaki.

vuukle comment

AYON

BATAY

BRGY

CALTEX

DORESA OLAYA

FOREST HILL

GULOD NOVALI

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with