^

Police Metro

Kasong perjury ni Tulfo vs mag-asawang Raymart at Claudine dinismis

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dahilan sa kakulangan ng ebidensiya kung kaya’t dinismis ng QC Prose­cutor’s Office ang kasong  perjury  na isinampa ng  broadcaster na si Erwin Tulfo  laban sa  mag-asa­wang sina Raymart Santiago at Claudine Barreto-Santiago.

Sa anim pahinang re­solusyon, sinabi ni Asst City Prosecutor Maximo Usita, Jr., na ang kasong  perjury na naisampa sa mag-asawa ay hindi kapani-paniwala at walang katotohanan para isampa.

Ang kaso ay naisampa ni Tulfo nang maghayag umano ang mag-asawang Santiago ng malisyoso at mga maling paratang laban sa kanya at sa kapatid na sina Mon, Ben at Raffy.

Sinasabi noon ng mag-asawa na ang Tulfo bro­thers ang nanguna kayat nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa magkabilang panig.

Sinasabi rin ng mag-asawa na nakangisi pa noon si Mon nang maganap ang insidente sa NAIA at sinuntok at sinaktan ng ilang beses si Raymart.

Sinabi naman ni Erwin na nagsinungaling ang mag asawa ng sabihin ito kayat marapat lamang na maidiin ang mga ito sa kasong perjury.

Magugunitang ang gusot ay nag-ugat nang masapak ang grupo ng mga Santiago ang kapatid ni Erwin na si Mon Tulfo sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport noong May 6, 2012.

ASST CITY PROSECUTOR MAXIMO USITA

CLAUDINE BARRETO-SANTIAGO

ERWIN

ERWIN TULFO

MON TULFO

NINOY AQUINO INTERNATIO

RAYMART SANTIAGO

SINASABI

TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with