^

Police Metro

DOH hindi inindorso ang ‘Tawa-tawa’ vs dengue

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi iniendorso, pero hindi rin ipinagbabawal ni Department of Health (DOH) Secretary Enrique Ona ang paggamit ng herbal medicine na ‘tawa-tawa’ o Euphorbia hirta herbal plant, para labanan ang dengue dahil wala pa namang patunay na epektibo ito at ligtas.

Magugunita na nagiging popular sa ngayon ang ‘tawa-tawa’ sa mga rural at urban areas, matapos na napaulat pa na may isang pag-aaral umano na lumabas kung saan ang mga taong may dengue na pinainom ng tawa-tawa ay naging mas mabagal ang pagbaba ng platelet count, at naging mas mabilis ang recovery mula sa sakit.

Sinabi naman ng DOH na taong 2012 pa ay sinimulan na ng Philippine Council for Health Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST) ang pag-aaral sa mga aktibong sangkap ng tawa-tawa upang matukoy kung epektibo nga itong panlaban sa dengue.

Aniya,  ang naturang herbal medicine ay may anti-viral at anti-inflammatory properties at may kakayahang pataasin ang blood platelets ng pasyente pero nagbabala si Ona laban sa maling paggamit ng tawa-tawa.

Batay sa tala ng DOH, umakyat na sa 193 ang mga taong nasawi dahil sa dengue mula Enero hanggang Hunyo 8, 2013.

Umakyat na rin sa kabuuang bilang na 42,207 ang dengue cases na naitala sa bansa, at 50 sa mga ito ay naitala nito lamang Hunyo.

 

ANIYA

BATAY

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

ENERO

HEALTH RESEARCH AND DEVELOPMENT

HUNYO

PHILIPPINE COUNCIL

SECRETARY ENRIQUE ONA

TAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with