^

Police Metro

2 Lalaki dedo sa pamamaril sa QC

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi matapos na pagbabarilin sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kamakalawa at kahapon ng umaga.

Ang  unang nasawi ay kinilalang si Patrick Poncebalasi, 41, na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Batay sa ulat, alas-11:45 ng gabi nang barilin ang biktima ng hindi pa kilalang suspek sa kahabaan ng Nenita St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Narekober sa lugar ang anim na basyo ng bala at isang hindi pumutok na bala ng kalibre 45 baril.

Ang ikalawang nasawi ay si Reynald dela Cruz, 32, tricycle driver at residente ng no.72 Harmony Road, Brgy. Balingasa sa lungsod.

Batay sa ulat, ganap na alas-8:45 ng umaga ay namamasada ang biktima at pagdating sa harap ng Mercury Drug store na matatagpuan sa A. Bonifacio Street, malapit sa 11th avenue Brgy. Balingasa ay pinagbabaril ito ng nag-iisang lalaki na kaswal lang naglakad matapos ang pamamaril.

BALINGASA

BATAY

BONIFACIO STREET

BRGY

CRUZ

DALAWANG

HARMONY ROAD

NENITA ST.

PATRICK PONCEBALASI

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with