^

Police Metro

2 tepok, 1 kritikal sa salpok ng motor

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sinalpok ng isang motorsiklo ang tatlong katao na tumatawid na ikinasawi ng dalawa kabilang ang isang 6-anyos na batang babae naganap kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Aguinaldo, Highway, Brgy. Panapaan, Bacoor City, Cavite.

Ang mga nasawi ay ki­nilalang sina Ezra Jeniah Sayson, 6-anyos, residente ng Blk. 5, Lot 3 Lessandra 2 Subd., Brgy. Salinas 1, Bacoor City at Jerramae Ygot, nasa hustong gulang residente ng Tayuman Ma­nila, habang kritikal ang isa pang biktima na nakilalang si Cherry Anne Garces, dalaga  sales clerk at kapitbahay ni Sayson.

Naaresto naman ang driver ng motorsiklo na si Eugene Garcia, 25, binata, messenger residente ng BF Homes, Parañaque City.

Sa ulat, ganap na alas-7:30 ng gabi ay magkakasabay na tumatawid ang mga biktima sa nasabing highway nang hindi umano nila napansin ang mabilis na pagdating ng motorsiklo (8424-UX) ng suspek.

Hindi na naiwasan ng suspek ang mga tumatawid na biktima at nasalpok niya ang mga ito.

vuukle comment

BACOOR CITY

BRGY

CAVITE

CHERRY ANNE GARCES

EUGENE GARCIA

EZRA JENIAH SAYSON

JERRAMAE YGOT

TAYUMAN MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with