Natakasan ng presong Koreano… 2 Parak kinasuhan
MANILA, Philippines - Kinasuhan na ang dalawang pulis-Maynila matapos matakasan ng isang Koreanong preso sa Rizal Park-Police Community Precinct ng Station 5, kamakalawa ng hapon.
Inihain ang kasong pagÂlabag sa Article 224 ng Revised Penal Code (Evasion through negligence) sina SPO1 Felipe Manlutac, 53, at PO2 Jes Sabado Delos Santos, 43, kapwa Jail night duty sa MPD-Rizal Park PCP dahil sa pagkakatakas ng detainee na si Min Seo Sang-Yu, 39, binata, negosÂyante.
Nabatid na ang nakapugang Koreano ay nahaharap sa kasong rape at frustrated murder na naganap noong Mayo 9, 2013, alas-9:30 ng gabi sa loob ng tinutuluyang kuwarto sa Malate Bayview Mansion sa Adriatico St, Ermita, Maynila.
Sa ulat ni SPO2 James Poso ng MPD-General Assignment Section (GAS), dakong alas 4:00 kamaÂkaÂlawa ng hapon nang maÂkatakas si Sang-yu.
Sinasabing habang nakikipagkuwentuhan sa iba pang pulis si Manlutac nang magulat sila sa ingay ng mga preso at doon natuklasan na nakatakas na umano ang Koreano.
Ayon kay Lucifer Yamazaki, civilian encoder ng Rizal Park PCP, inilabas umano si Sang-Yu sa detention cell nang mapaaway sa ibang bilanggo at ipinosas malapit sa puwesto ni Delos Santos. Isang kamay lamang ang nakaposas umano at ang isa ay nakaÂsabit sa bakal ng selda.
Sinisilip ngayon sa imÂbestigasyon kung bakit nananatili sa nasabing PCP ang dayuhang gayung may comÂmitment order na ito na nag-aatas na maari nang dalhin o ilipat sa Manila City Jail noong pang Mayo 20, 2013.
- Latest