Taal volcano muling nag-alburoto
MANILA, Philippines - Nag-alburoto ulit ang bulkang Taal sa Batangas matapos makapagtala ng siyam na pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), dakong alas-8:00 ng umaga naitala ang pagyanig sa paligid ng bulkang Taal matapos ang panibagong pag-aalburoto ng bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na dahil sa insidenteng ito, tumaas din ang water tempeÂrature sa paligid ng bulkan mula sa 33.0°C ay umabot ito sa 33.9°C. Nabatid pa sa Phivolcs na nakataas pa rin sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal kayat patuloy na ipinagbabawal ang paglapit ng mga tao sa loob ng 6 kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) para makaiwas sa peligro dulot ng bulkan.
- Latest