^

Police Metro

Dalagang ina tumalon mula sa ika-3 palapag ng ospital

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Naisipan ng isang 26-anyos na da­la­gang ina na tapusin ang buhay sa pa­mamagitan nang pagtalon mula sa ika-3 palapag ng Dr. Jose Fabella Memorial Maternity Hospital sa Sta. Cruz, May­nila dahil sa hindi makayanang mga problema sa buhay tulad nang panga­nganak ng walang asawa, walang pera na pambayad at hindi normal ang kon­disyon ng sanggol, naganap kahapon ng umaga.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa nasabing ospital ang biktimang si Je­nexy Allosa, ng no. 68 Road 12, NDC Compound, Sta. Mesa, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00  ng umaga nang gawin ng biktima ang pag­talon mula sa nasabing palapag ng ospital na kung saan ay huling nakitang buhay ito dakong alas-3:00 ng madaling-araw na kumakain.

Nabatid na walang asawa ang bik­tima na nabuntis lang nobyo at wala ding trabaho dahil sa bagong graduate lang sa kursong management sa Jose Rizal University at ang sanggol niya ay nasa incubator.

Mahigit 10 araw nang nasa paanakan ang biktima dahil hindi pa puwedeng ilabas ang baby boy na nakasalang sa incubator mula noong Mayo 31.

ALLOSA

BATAY

CRUZ

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL MATERNITY HOSPITAL

JE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAHIGIT

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with