^

Police Metro

‘Deadly sex drugs’ nagkalat sa MM

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Naalarma ang tanggapan ni Supt. Francisco Esguerra, hepe ng PNP-CIDG-Anti Fraud and Commercial Crimes Division (AFCCD) sa natanggap na impormasyon hinggil sa illegal na aktibidades ng mga negosyanteng nagbebenta ng mga pekeng gamot partikular na ang sex enhancing drugs na nagkalat sa mga tindahan sa Metro Manila.

Ayon sa opisyal, masama ang epekto sa kalusugan ng nasabing mga pekeng gamot gayundin ng mga sex enhancing drugs na posibleng ikamatay ng gagamit o iinom nito.

Nabatid pa na mabentang-mabenta umano ang mga ‘sex enhancing drugs’ lalo na sa mga kalalakihan na may edad na pero mahilig pa rin sa sex.

Lubha anyang deli­kado sa kalusugan na pu­wedeng magdulot ng atake sa puso, paninikip ng paghinga at masamang epekto nito sa balat at iba pang mga internal organs ang sinumang gagamit nito.

Nabatid na umpisa lamang nitong linggo ay nagsagawa ng serye ng raid ang mga operatiba ng PNP-CIDG-AFCCD katuwang ang mga kinatawan ng Food and Drugs Administration ang mga nagbebenta ng pekeng gamot sa mga lungsod ng Parañaque at Pasay at nakasamsam ng bultu-bultong hindi mga rehis­tradong pekeng gamot at sex enhancing drugs o mga pampalibog na nagkakahalaga ng P 50,000.

Kabilang sa sinalakay ay ang Happiness Chinese Drugstore and Excel Chinese Drugstore, Century Chinese Drugstore at Bac­laran Chinese Drugstore na kung saan ay inihahan­da na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 3720 at RA 9711 na kilala bilang Food and Drug Administrative Act of 2009 laban sa mga may-ari, managers at mga pharmacist ng mga sinala­kay na drug stores.

 

 

ANTI FRAUD AND COMMERCIAL CRIMES DIVISION

DRUG ADMINISTRATIVE ACT

DRUGS ADMINISTRATION

FRANCISCO ESGUERRA

METRO MANILA

NABATID

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with