^

Police Metro

Nakasagi ng upuan utas sa pen gun

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nasawi ang isang 20-anyos na lalaki na halos isang araw nakipaglaban sa kamatayan nang barilin ng pen gun matapos masagi ang kinauupuan ng suspek kahapon ng mada­ling-araw sa Malate, Maynila.

Ang nasawi ay nakilalang si Miguelito Tabulao, ng no. 2353 J. Bocobo St., Singalong, Maynila. Habang ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si alyas Miguel.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw kamakalawa sa panulukan ng San Andres at Meding Sts., Malate, Maynila nang aksidenteng masagi ng biktima ang kinauupuan ng suspek.

Hindi umano nagpaumanhin ang biktima at patuloy lamang sa pag­lalakad kasama ang kaibigang si Jeremy Surio, 17 na hindi sukat akalain na nagalit ang suspek at binaril ang una sa likod gamit ang pen gun pagkatapos ay tumakas.

vuukle comment

BATAY

BOCOBO ST.

HABANG

JEREMY SURIO

MAYNILA

MEDING STS

MIGUEL

MIGUELITO TABULAO

SAN ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with