^

Police Metro

3 OFWs todas sa car crash sa Australia

Pang-masa

MANILA, Philippines -Iniulat ng Department of Foreign Affairs batay sa report na ipinadala sa Embahada ng Pilipinas sa Canberra, Australia na tatlong Pinoy ang kumpirmadong nasawi habang isa ang nasa kritikal na kondisyon nang sumal­pok ang kanilang sinasakyang kotse sa isang trailer truck sa ba­hagi ng Warrego Highway sa Dalby, Queensland, Australia noong Linggo.

Inilarawan sa kasalukuyan ng DFA ang apat na Pinoy na nagkaka-edad ng 36, 39, 41 at 45 ang kinumpirmang biktima ng traffic crash sa Dalby, katimugang bahagi ng Queensland noong Hunyo 2, 2013.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, dalawa sa mga biktimang Pinoy ang namatay noon din at isa ang nasawi habang ginagamot sa ospital bunga ng tinamong matitinding pagkadurog at sugat sa katawan.

Nananatiling nasa malubhang kalagayan ang isa pa nilang kasamahang Pinoy sa isang ospital sa Dalby.

Patuloy umano ang isinasagawang pagsisiyasat ng Dalby Police sa nasabing insidente.
 

 

AYON

DALBY

DALBY POLICE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

PINOY

QUEENSLAND

WARREGO HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with