^

Police Metro

Snatcher hindi umubra sa mag-inang Chinese

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nakatagpo ng katapat sa pagtakbo ng mabilis ang isang 24-an­yos na snatcher matapos itong abutan ng mag-inang Chinese na inagawan nito ng digicam kahapon ng umaga sa Intramuros, Maynila.

Ang suspek na na­aresto at nakatakdang sampahan ng kasong snatching ay nakila­lang si Mark Magayones, miyembro ng Bahala na Gang at residente ng Blk. 17, Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Batay sa ulat ni SPO1 Erwin Lacuesta ng Manila Police District (MPD)-District Traffic Enforcement Unit, dakong alas-7:00 ng umaga nang naganap ang insidente  sa Katigbak Drive, Intramuros, Maynila.

Nabatid na nagla­lakad ang mag-inang Shi Qwan Zheu at anak nitong si  Ying Fei Qi, 28 ng Tune Hotel sa A. Mabini St., Manila nang hablutin ng suspek ang hawak nitong Sony Cybershot digicam at saka tumakbo papalayo.

Hindi naman pi­nanghinaan ng loob ang mag-ina at hinabol ang suspek hanggang sa nakorner nila sa may Anda circle.

Tiyempo na napadaan sa lugar si SPO1 Lacuesta kaya tumulong din ito sa paghahabol na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

“Nakita kong hinahabol ng mag-ina ang lalaki kaya naki­paghabulan na rin ako. Buo ang loob ng mag-ina dahil tinanggal pa ng babae ang kanyang sapatos at mabilis na hinabol ang suspek” ani Lacuesta.

 

BASECO COMPOUND

DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

ERWIN LACUESTA

INTRAMUROS

LACUESTA

MABINI ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MARK MAGAYONES

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with