Responsableng waste management ipinatupad sa Sarangani Bay Fest
MANILA, Philippines - Sa kabila ng kasiyahan sa idinaos na Sarangani Bay (SarBay) Festival nitong Mayo 24 at 25, tone-tonelada namang basura ang naiwang nakakalat sa dalampasigan ng Gumasa Cove sa Sarangani matapos ang kapisÂtahan.
Naging mabilis naman ang mga organisador ng SarBay, Regional Office ng Department of Tourism at Provincial Government ng Sarangani, na nakipagtulungan sa Sagittarius Mines, Inc. (SMI) sa pagÂlilinis nitong Mayo 26 kaya napulot ang mga bote, plastik at lalagyan ng pagkain na nakakalat sa dalampasigan ng Barangay Gumasa.
Nakolekta ng 168 boluntaryo na binubuo ng mga empleyado ng SMI, residente at opisÂyales ng Barangay Gumasa, at mediamen ang 67 sako ng basura na tinatayang tumitimbang ng 600 kilo at maayos itong naitapon ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Nasa ikawalong taon na ang SarBay Festival na dinarayo ng libo-libong turista mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para masaksihan ang malinis na dalampasigan ng Sarangani at magsilahok sa water sport activities sa Gumasa na kapantay sa istandard ng mga pangunahing lugar pangturismo ng Pilipinas.
Sa taong ito, itinaguyod ng SMI ang coastal clean-up sa SarBay Festival na nagpapakita sa pangako nitong protektahan ang pinagkukunan ng tubig sa rehiyon.
Ayon kay John B. Arnaldo na External Communications Manager ng SMI na pinasalamatan niya ang mga organisador ng SarBay Festival sa pagpayag na maging katambal ang SMI sabay idiniin sa mga nagboluntaryo ang halaga ng kalinisan at wastong pangangasiwa sa basura.
- Latest