^

Police Metro

Trak driver todas sa sinuwag na bahay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang driver ng ten wheeler truck habang dalawa ang nasugatan matapos na salpukin nito ang isang bahay na nasa tabi ng Quirino Highway, Brgy. San Vicente, Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Joffrey Jacob, 50-anyos, ng Daraga City, Albay na naipit ang katawan sa loob ng minamanehong trak.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatang sina Editha Garcia, nakatira sa bahay na sinuwag ng trak at Richard Perez, helper ng nasawi at residente ng Legazpi City.

Masuwerte namang nakaligtas ang apo ni Editha na kinilalang si James David Garcia, 7-anyos na nagkataong nasa loob din ng bahay ng mangyari ang insidente.

Batay sa ulat, bandang alas-12:20 ng tang­hali habang buma­bagtas ang trak sa pa­kur­badang direksyon ng Quirino Highway nang masiraan ito ng makina at mawalan ng kontrol sa manibela naging dahilan at tuluy-tuloy na sinuwag ng trak ang bahay na pagmamay-ari nina Cerilo at Lolita Garcia.

vuukle comment

DARAGA CITY

EDITHA GARCIA

JAMES DAVID GARCIA

JOFFREY JACOB

LEGAZPI CITY

LOLITA GARCIA

QUIRINO HIGHWAY

RICHARD PEREZ

SAN VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with