^

Police Metro

Kano natagpuang patay sa motel

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan sa inupahang kuwarto ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila ang isang 63-anyos na  Amerikano kahapon.

Nakilala ang biktima sa pamamagitan ng nakuhang ID sa pangalang Loius Stephen Desmarais, ng Massachusetts, USA at dating nakatira sa 1145 M. Natividad St., Sta Cruz, Maynila.

Batay sa ulat, alas-11:00 ng umaga nang natuklasan ang bangkay ng biktima sa loob ng Room 327 Novela Lodge sa Sta Cruz. Nabatid na dakong alas-11:00 ng gabi noong Lunes nang mag-check-in ang biktima at  magbayad ng P380 para sa 12 oras na panunuluyan sa nabanggit na motel.

Nagtaka ang pamunuan ng   motel dahil  hindi pa lu­malabas ang  biktima bagama’t tapos na ang oras nito kaya’t nagpasya ang pamunuan ng motel sa buksan ang kuwarto at  nakita na  patay na ang biktima. Hinala ng pulisya posibleng may sakit ang biktima dahil sa nakuhang  mga gamot sa dalang bag nito kasama ang  ilang pirasong damit,  at barya-baryang pera.

vuukle comment

AMERIKANO

BATAY

BIKTIMA

LOIUS STEPHEN DESMARAIS

MAYNILA

NATIVIDAD ST.

NOVELA LODGE

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with