^

Police Metro

14-anyos ginulpi ni Kap, 3 pa

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng reklamo ang magulang ng isang 14-anyos na binatilyo laban sa isang barangay chairman at tatlo pang opisyal na nanggulpi sa binatilyo kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Inireklamo sa pulisya ang suspek na si Brgy. 565 Zone 55 Chairman Jinggo Severino matapos umanong sapakin na naging dahilan ng pamamaga ng biktima na si Ernesto Nacion, grade 6 pupil ng Santiago St., Sampaloc, Maynila.

Bukod kay Severino na sinampahan ng kasong anti-child abuse at physical injuries ay kasama rin sa inireklamo ang tatlong pang opisyal nito.

Sa salaysay ng biktima sa Women’s desk,  alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang pananakit sa kanya ni Severino sa Norma St.,  malapit sa kanto ng Visayan Sts.,  sa  Sampaloc.

Kasalukuyang nakikipagsayawan ang biktima nang magkaroon ng  rambol  at naging dahilan ng kanyang  pag-iwas upang hindi madamay.

Nagulat na lamang umano siya nang damputin siya ng tatlong opisyal ng barangay, dinala siya sa bahay ni Severino kung saan siya ay  tinadyakan  pa sa dibdib.

Sa loob aniya ng bahay ni Severino ay pinagtulu­ngan  siyang saktan ng mga nasabing suspek. Inumbag umano siya sa mukha  kaya nawalan din siya ng malay at nang magising na ay agad siyang pinauwi ng mga opisyal ng barangay.

vuukle comment

BRGY

BUKOD

CHAIRMAN JINGGO SEVERINO

ERNESTO NACION

MAYNILA

NORMA ST.

SANTIAGO ST.

SEVERINO

VISAYAN STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with