^

Police Metro

Nagsara na private schools rerentahan – VM Joy B

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaplano ng QC government na rentahan  ang mga nagsarang private schools sa lungsod upang maging extention ng mga public schools.

Ito ang nakikitang paraan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte para madagdagan ang mga silid-aralan na magagamit ng mga mag-aaral sa oras na kulangin ang espasyo ng paraan sa lumulubong bilang ng mga mag-aaral sa QC bawat school year.

Ayon pa kay Belmonte, bagamat kumpleto na ang mga silid aralan sa pasukan sa Hunyo hindi mawawala ang pangamba nila na kulangin pa rin dahil sa taun-taon ay nadaragdagan ang bilang ng mga estudyante.

Nabatid na higit na dumami ang bilang ng mga nag-enroll na sa mga public schools sa QC dahil sa mga mag-aaral na nadagdag mula naman sa mga private schools na hindi na nakayanan ng kanilang mga magulang ang matrikula.

Una nang inanunsyo ng pamahalanag local na nakumpleto na ang pagtatayo sa 4 na bagong paaralan na may 60 silid aralan  para matiyak na may sapat na silid-aralan ang mga estudyante sa pasukan sa June 3.

ARALAN

AYON

BELMONTE

HUNYO

NABATID

PINAPLANO

SCHOOLS

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with