^

Police Metro

Dalagita pinatay ang nanay ng hindi payagang makipag-date sa nobyo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ng isang 15-anyos na dalagi­ta ang sariling ina ng hindi siya payagan nito na makipag-date sa kanyang nobyo na naganap sa Dreamland Subdivision, Brgy. Pico, La Trinidad, Ben­guet.

Ang nasawi dahil sa tama ng saksak sa tiyan ay kinila­lang si Maria Rizza Cabautan, 44-anyos, may-asawa, kahera ng Philippine Science High School sa San Vicente, Baguio City.

Naaresto naman ang suspek na itinago sa pangalang Ruffa na residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon nang makatanggap ng report ang pulisya noong Mayo 26 hinggil sa kaso ng pagpatay ng isang tinedyer sa sarili nitong ina sa naturang lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago ang krimen dakong alas-9:00 ng umaga ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ina dahilan sa nagpupumilit ang tinedyer na lumabas ng kanilang bahay para makipag-date sa kaniyang nobyo.

Ang pagtatalo ng mag-ina ay humantong sa pa­ngangagat ng tinedyer sa kanang kamay ng ina na hindi pa nakuntento ay kumuha ng patalim sa kusina at inundayan ng saksak sa tiyan ang ina.

Nang bumagsak ang ina ay nagtatakbo ang tinedyer na nakipagkita sa kaniyang nobyo sa kahabaan ng Marcos highway sa Baguio City.

Kinabukasan pa nang maaresto ang tinedyer na itinurnover sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

vuukle comment

BAGUIO CITY

BATAY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

DREAMLAND SUBDIVISION

INA

LA TRINIDAD

MARIA RIZZA CABAUTAN

PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL

SAN VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with