Nobelang ‘Inferno’ inalmahan ng Malacañang
MANILA, Philippines - Inalmahan ng Malacañang sa negatibong paglalaÂrawan ng sikat na manunulat na si Dan Brown tungkol sa Manila na sentro ng bansa.
Sa librong ‘inferno’ ni Brown ay tinawag niyang gates of hell ang Manila dahil sa talamak na krimen, kaguluhan, sex trade at kahirapan.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, na hindi paniniwalaan ng mga ordinary readers ang lahat ng mga kathang-isip ni Dan Brown.
Bukod sa kathang-isip, sinulat aniya ni Brown ang inferno na may halong sobra-sobra at maximum effect.
Wika pa ni Valte sa halip na kay Brown maniwala na hindi pa naman daw nakatapak sa Manila, dapat sa mga testimonya ng mga taong nag-enjoy sa Pilipinas ang paniwalaan ng mga mambabasa.
- Latest