P-noy hindi luluhod sa Taiwan President
MANILA, Philippines - Hindi luluhod kay Taiwanese President Ma si Pangulong Benigno Aquino III upang hingin ang kapatawaran ng Taiwan government matapos mabaril at mapatay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang maÂngingisdang Taiwanese sa Balintang Channel noong Mayo 9.
Ito ang sinabi ni DeÂputy Presidential SpoÂkesperson Abigail Valte at ipinahatid na ni PaÂnguÂlong Aquino ang kanÂyang public apology kay MECO chief Amadeo Perez kaugnay sa insidente at hindi gagawin ng Pangulo na siya mismo ang hihingi ng tawad kay President Ma.
Magugunita na una nang ibinasura ng Taiwan government ang public apology ng Pilipinas sa nangyari sa kanilang 65-anyos na mangingisdang napatay ng PCG.
Hiniling ng Taiwan na payagan ang joint investigation ng Taiwan at Pilipinas kaugnay sa insidente pero nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na ang National BuÂreau of InvesÂtigation (NBI) ang mag-iimbestiga sa insidente.
Nanindigan ang Taiwan na sakop daw ng kanilang territorial waters ang pinangyarihan ng insidente, subalit iginiit naman ng PCG na nangyari ito sa Balintang Channel na sakop ng Pilipinas.
- Latest