Bistek, Belmontes panalo sa QC
MANILA, Philippines - Nilampaso nina QC re-electionist Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang kanilang mga kalaban base sa laÂtest canvassing na ginawa ng Commission on Elections ganap na alas-5:45 ng umaga kahapon
Nakakuha si Bautista ng 558,276 na boto laban sa kalabang si Johnny Chang na nakakuha ng 54,312 boto.
Si Vice Mayor Belmonte naman ay nakakuha ng 562,582 boto laban sa kalabang si Rolando Jota na may 39,345 boto.
Sa mga kongresista sa District 1-Calalay, Boy — 62,710 votes, Crisologo, Rita — 57,642;District 2 - Castelo, Winston — 81,645, Mathay, Ismael III — 46,521; District 3 - Banal, Jorge John — 49,731, Defensor, Mat — 39,513.
Si Speaker Feliciano Belmonte na tumakbo sa district 4 ay nakakuha ng botong 96,682 na malayong malayo sa nakuhang boto ng kalaban nitong si Hans Palacios na may 9,762 votes.
Wala namang kalaban sa pagka kongresista ng District 6 si Kit Belmonte na nakakuha ng 77,982 votes.
- Latest