^

Police Metro

5 kelot itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang limang lalaki nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek sa magkakahiwalay na insidente ng karahasan naganap kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga sa Bayog, Zamboanga del Sur.

Batay sa ulat, naganap ang unang pamamaril sa Brgy. Buboan, Bayog ng lalawigan bandang alas-8:30 ng gabi kamakalawa na kung saan ay nasawi noon din sina Dionisio Manos, 67; Vivencio Balido, 47 at Julito Isig, 20; na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong kalala­kihan at binistay ng bala ang naturang mga biktima.

Kahapon ng alas-9:00 ng umaga nang pagbabarilin ang dalawa pang botante sa Brgy. Kahayagan ng nasabing bayan na kinilalang sina Dexter Calunsag, 20; at Michael Mendoza, 22; pawang residente ng natu­rang lugar.

 

BATAY

BAYOG

BRGY

BUBOAN

DEXTER CALUNSAG

DIONISIO MANOS

JULITO ISIG

KAHAPON

MICHAEL MENDOZA

VIVENCIO BALIDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with