Biyenan na nagbanta, inutas ng manugang na hilaw
MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ang isang 62-anyos na biyenan ng kanyang maÂnugang na hilaw dahil sa pagbabanta umano ng una na siya ay papaÂtaÂyin at susunugin pa ang kanyang mga anak na naÂgaÂnap kaÂmakalawa sa Tondo, MayÂnila.
Ang biktima na naÂmaÂtay noon din ay naÂkiÂlalang si Victorino PiÂngoy, biyudo, residente ng Bldg. 26, Unit 127 KaÂtuparan, Vitas, Tondo.
Agad din nadakip ang suspek na si Randy PeÂneÂro, live-in partner ng anak ng biktima na si Eva Pingoy.
Batay sa ulat, dakong alas-8:25 ng gabi ay kaÂbaÂbalik lang ng suspek mula sa pagbabakasyon ng 5 buwan sa Bicol nang makaalitan ang biyenan dahil sa paninita nito na tamad ang una.
Sa sobrang galit ng suspek, kumuha umano ng kutsilyo sa lababo at inatake ang biyenan ng saksak habang nakaupo at nagpapahinga sa terrace.
Ayon sa suspek noong Disyembre ay binugbog siya ng biyenan at pinaÂlaÂyas gayung helper naÂman siya sa tindahan nila sa Divisoria.
- Latest