Buhayin ang industriya ng niyog-Koko
MANILA, Philippines - Nanawagan si Team PNoy re-electionist Sen. Aquilino “Koko†Pimentel III sa muling pagbuhay sa industriya ng niyog para maiangat ang pag-unlad sa agrikultura at mapabilis ang kaunlaran sa kanayunan.
Pinuri ni Pimentel ang pahayag ng Department of Agricuture na magtatatag ito ngayong taon ng limang agro-industrial estates para sa produksiyon at pagpoproseso ng high-value coconut products.
Ayon kay Pimentel, dapat sundan ito ng mga inisyatibang pangkaunlaran dahil ang Pilipinas ang pinakamalaking prodyuser ng niyog sa buong mundo at ang produksiyon ay pangkalahatang nakatuon sa katamtaman ang laking niyugan.
“Malaki ang magiging pakinabang ng bansa sa mataas na produksiyon ng niyog na ikinokonsideÂrang ‘puno ng buhay’ dahil sa mga gamit nitong domestiko, komersiyal at industriyal,†ani Pimentel.
Ayon sa DA, ang bawat itatayong agro-industrial estate ay tinatayang 150 ektarya ang lawak sa mga rehiyong nagpoprodyus ng niyog at makapagpoproÂseso ng 5,000 piraso kada araw bukod pa sa cold storage facilities.
Idinagdag ni Pimentel na kailangang magtulungan ang pambansang gobyerno, local government units at pribadong sektor para suportahan ang muling pagbuhay sa industriya ng niyog para kumita nang malaki ang mga magniniyog at tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
- Latest