Malapitan tinalikuran ng kanyang mga lider
MANILA, Philippines - Dalawang araw na lang at eleksyon na ay tinalikuran pa ng kanyang mga lider si 1st District Congressman at United Nationalist Alliance (UNA) mayoralty bet Oscar “Oca†Malapitan kabilang na ang mga barangay officials ang tumalikod sa kongresista at lumipat sa kampo ni Ricojudge Janvier “RJ†Echiverri ng Liberal Party (LP).
Upang ipakita ang kanilang pagsuporta kay Echiverri ay nagmartsa ang halos 500 dating lider ni Malapitan mula sa Monumento hanggang sa Heroes del 96 kung saan ay nagsagawa pa ang mga ito ng maikling programa.
Ayon kay Dennis Fajardo, tagapagsalita ng grupong tumalikod kay Malapitan at dating zone manager ng kongresista, umabot na sila ngayon sa bilang na 465 at patuloy pa itong madaragdagan bago pa man sumapit ang eleksiyon sa darating na Lunes, Mayo 13.
Sinabi pa ni Fajardo, ang ginawa nilang pagtalikod kay Malapitan ay dahil tinutukso sila ng kanilang mga kaanak dahil sa ginagawa nilang pagsuporta sa grupo ng kasalukuyang kongresista ng unang distrito, samantalang may mga kasong kinahaharap ang mga ito.
Pinabayaan din umano ni Malapitan ang isa nilang kasamahan na nakaranas ng heat stroke habang naÂngangampanya para sa mag-ama na hindi man lamang sinilip ng mga ito at hindi rin tinulungan matapos isugod sa pagamutan.
“Dahil din sa pangyayaring ito ay nangangamba kami na kapag may nangyari uli sa isa sa amin ay iiwan din nila (mag-amang Malapitan) kami kaya binabawi na namin ang aming suporta sa mga Malapitanâ€, dagdag pa nito.
Nagpasalamat naman si Fajardo kay Echiverri dahil nang manghingi ang mga ito ng tulong para sa kanilang kasamahan na nakaranas ng heat stroke ay hindi ito nagdalawang-isip na tulungan sila kaya’t nagpasya ang mga itong si RJ na lamang ang kanilang susuportahan sa darating na eleksiyon.
- Latest