^

Police Metro

NLEX Commercial Center itatayo sa Caloocan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaasahang lalakas ang kalakalan at kabuhayan at maging suliranin sa matinding trapiko ay tiyak na mababawasan kapag naisakatuparan ang ambisyoso subalit “doable” na proyekto ni Caloocan City Vice Mayor at Liberal Party (LP) cong­ressional candidate Edgar “Egay” Erice na kung saan ay itatayo ang isang mala­king commercial center malapit sa North Luzon Ex­pressway.

Nagbitaw si Erice ng salita na kanyang uunahin na maisulong ang nasabing proyekto kung muling mabibigyan ng pagkaka­taon ng mga taga-lungsod lalo na sa District 2 na siya ay mahalal bilang kanilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan.

Anya madali niyang maisusulong sa Kongreso ang proyekto dahil sa inaasahan na mas maraming kaalyado sa partido ang tiyak na mahahalal sa darating na eleksyon sa May 13.

Ayon kay Erice na kilala ang lungsod bilang ‘Gateway of the North’ dahil sa istratehikong lokasyon nito at magsisilbing ‘catch basin’ ang Ca­loocan kapag naitayo na ang mala-higanteng commercial center sa gilid ng expressway dahil dito na makikita at makukuha ang lahat ng produkto na manggagaling lalo na sa Norte.

ANYA

AYON

CALOOCAN CITY VICE MAYOR

EGAY

GATEWAY OF THE NORTH

INAASAHANG

LIBERAL PARTY

MABABANG KAPULUNGAN

NORTH LUZON EX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with