13-anyos ni-rape ng tatay
MANILA, Philippines - Nahuli sa akto ng isang misis ang kanyang mister habang hinahalay ang 13-anyos nilang dalagita sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City noong Sabado ng gabi.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Alfredo MoneÂva Jr., 39, security guard ng Bistek Ville II, Barangay Kaligayahan, sa lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang maÂaktuhan ng misis ang kanyang mister na inaabuso ang kanilang anak sa kuwarto ng kanilang bahay.
Bago ang huling panghahalay ng suspek ay nagsumbong na ang kanyang daÂlawang anak na lalaki na may edad 7 at 10 tungkol sa ginawa ng kanilang ama sa kanilang ate noong Abril 18 na hindi muna niya pinaniwalaan at hindi rin kinompronta ang mister dahil sa takot.
Kaya’t nang kanyang maÂaktuhan ang panghahalay ay nagdesisyon na siya na ireklamo ito sa pulisya na agad dinakip at sinampahan ng kasong rape na may kaugnayan sa child abuse.
- Latest