^

Police Metro

Budget sa garbage collection ng Parañaque tama lang

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kailangan ang mala­king halaga para magkaroon ang mga residente ng Parañaque City na “malinis at kaaya-aya” na lugar na matitirahan kung kaya’t tama lang ang paggastos ng local na pamahalaan ng P383 milyon para sa garbage collection noong 2012.

Sa nabanggit na taon ay gumastos lamang ang Parañaque City ng P600 bawat residente upang kolektahin ang mga basura sa lungsod, kumpara sa P400 kada residente noong 2001.

Mula 2001 hanggang 2012, tumaas lamang ng 50 porsyento ang garbage colletion budget ng Parañaque kahit pa dumoble ang dami ng basura at ikaapat na ulit na tumaas ang presyo ng mga langis.

Ang paggastos ng City Government para sa pango­ngolekta ng mga basura ay base sa “Garbage Book” ng Asian Development Bank na tumutulong sa paglalaan ng garbage collection budgets base sa laki ng lugar, bilang ng tao at gastusin sa langis.

“It seems that Mayor Bernabe’s political rivals are getting desperate inventing issues just to discredit him this May 13 election,” pahayag ng the Parañaque City Hall sa inilabas nitong press statement.

Idinagdag pa ng City Hall na ayaw nilang mabalik ang Parañaque noong mga nakaraang taon kung saan maraming basura ang hindi nakokolekta at ginamit pa nina dating Mayor Pablo Olivarez at Joey Marquez na tambakan ng mga basura ang Parañaque City Public Cemetery.

ASIAN DEVELOPMENT BANK

CITY GOVERNMENT

CITY HALL

CITY PUBLIC CEMETERY

GARBAGE BOOK

JOEY MARQUEZ

MAYOR BERNABE

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with