^

Police Metro

Mister na hindi pinapakain ng pamilya, nagbigti

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa kinim­kim na sama ng loob sa pamilya ng isang 65-anyos na mister na pinagtataguan umano ng pagkain ay mas pinili nito na magbigti na lamang kamakalawa sa Sta. Ana Maynila.

Ang biktima ay naki­lalang si Arturo Garcia, ng no. 1774 Kalahi St., Punta, Sta. Ana   Maynila.

Narekober ng mga otoridad ang dalawang sui­cide note ng biktima na ang una ay nagsasaad ng “pinagtataguan nila ako ng pagkain, dalawang araw na akong hindi kumakain,” at ang ikalawa ay nagbilin ito na sunugin na lamang ang kanyang bangkay at itapon sa Pasig River.

Pinabulaanan naman ng misis ng biktima na pi­nagtataguan nila ito ng  pag­kain kaya nagpakama­tay.

Sa ulat, nadiskubreng nakabigti ang biktima dakong alas-3:00 ng hapon noong Sabado, sa tabi ng hagdanan ng kanilang bahay.

De­p­resiyon umano sa buhay dahil gipit sa pera na lalo pang nadagdagan ang pagkadismaya sa buhay dahil bago umano ma­tagpuang nakabigti ay nasaksihan pa ang pagsusuntukan ng kaniyang dalawang anak na lalaki.

 

vuukle comment

ANA MAYNILA

ARTURO GARCIA

DAHIL

KALAHI ST.

MAYNILA

NAREKOBER

PASIG RIVER

PINABULAANAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with