Tuluyan nang tapusin ang kahirapan - Bam
MANILA, Philippines - Tuluyan nang tapusin ang kahirapan ang hamon ni Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino at mangyayari lamang ito kung magtutulungan ang gobyerno at ang lahat ng sektor para magbukas ng mas marami pang trabaho at negosyo sa bansa.
Dapat anya na bigyan ng oportunidad na kumita ang mas marami pang Pilipino, at wakasan na ang kahirapan para sa halos 27.9 porsiyento ng mga Pilipino.
Base sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB) para sa unang bahagi ng 2012, mayroong 28 sa bawat 100 Pinoy na patuloy pa ring naghihirap sa loob ng anim na taon.
Ani Aquino, ang kanyang mga unang isusulong sa Senado ay ang Education 2.0 Act na magbibigay ng mas maraming mga scholarship at college finanÂcing sa mga estudyanteng gustong mag-aral ng kolehiyo; ang GoTrabaho Act, na magsusulong ng schools-to-jobs matching at skills training para sa mga naghahanap ng trabaho; at ang GoNegosyo Act, na magbibigay ng mas malawak na suporta para sa mga pinakamaliliit na negosyo—kasama na rin ang mga magsasaka, mangingisda, at mga nagtitinda ng kalakal.
- Latest