Hindi ako susuko! - Mancao
MANILA, Philippines - ‘Hindi ako susuko at magtatago na lamang dahil sa wala akong maasahang hustisya’.
Ito ang sinabi at pinanindigan ni dating Police Superintendent Cesar Mancao dahil sa mas ramdam anya ang kaligtasan kung siya ay nasa labas ng kulungan.
“At least sa personal safety ko, may laban ako dito sa labas kaysa sa loob na madaling kitilin ang buhay na siyang kasunod na gagawin sa akin,†pahayag ni Mancao.
“Pinasok ang aking selda nang hindi ko alam, nakikita ko ‘yung footmarks ng sapatos. Hindi kanais-nais at mukhang may hindi magandang balak. Walang nakakaÂkilala eh, kung may mangyari sa akin, eh ‘di walang makakakilala,†kuwento nito.
Kabilang sa kondisyon ni Mancao sa kanyang pagsuko ay ang katiyakan sa kanyang kaligtasan, hustisya at pantay na pagdinig sa kaso.
Naniniwala din si Mancao na si Senador Panfilo Lacson ang nasa likod ng kanyang paghihirap.
“Sino pa bang ibang taong makikita kong mas powerful at maimpluÂwensya sa panggigipit sa akin? Sinabi nga ng emissary na si Sen. Lacson ang susi. Kaya kinausap ang lahat. Pero pinanindigan niyang pahirapan ako. Siya ang dahilan ng aking paghihirap.â€
Kaya nilapitan na aniÂya ng kanyang pamilya ang mga taong malalapit kay Lacson para ipatigil na ang pagpapahirap sa kanya. Kabilang na aniya ang kaniyang kapatid at anak at isa pang kapwa senador.
“Ginawa ko na lahat e. Parang wala na akong pag-asa e. Hindi magbabago ‘yung pag-hunt down niya sa akin,†dagdag pa ni Mancao.
Hinimok naman ni Interior and Local GoÂvernment Secretary Mar Roxas si Mancao na sumuko at igagarantiya nito ang kaligtasan basta’t sumuko lamang sa batas.
Ginawa ni Roxas ang pahayag kasunod ng expose ni Mancao na plano umano siyang ipaligpit sa Manila City Jail kaya’t siya ay tumakas.
Nagtalaga na ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group ng tracker team na tututok sa pagtugis laban kay Mancao.
- Latest