3 chinese tiklo sa P30-M shabu
MANILA, Philippines -Nadakip ng mga otoridad ang tatlong Chinese nationals na hinihinalang big time drug dealer at nasamsaman ng P30-M halaga ng shabu sa isiÂnagawang drug bust opeÂration sa Bacoor City, Cavite kahapon ng madaÂling-araw.
Ang mga nasakoteng suspek ay kinilalang sina Wang Fangyuan, 43; Cai Zhifu, 40; at Guo Kangfu, 37 , Chinese national.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang isagawa ng pinagsanib na elemento ng Special Operations Unit (SOU) ng PNP-AIDSOTF, Cavite Police at Police Regional Office (PRO) IV A ang pagÂsaÂlakay sa isang bahay sa panulukan ng Bakawan at Oak Lane Streets, Meadwood Executive Village, Brgy. Panapaan VIII ng nasabing lungsod.
Isinagawa ang raid sa bisa search warrant na inisyu ng Branch 78 at Executive Judge ng Quezon City laban sa mga suspek na pawang hindi marunong magsalita ng Ingles.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na kilo ng shabu na nakasilid sa anim na plastic bag na tinatayang nagkakahalaga ng P 30-M.
Bukod dito, nakuha rin mula sa mga suspek ang dalawang sasakyan na kinabibilangan ng isang kulay abong Toyota Innova (ZBU 800), isang kulay abong Nissan Sentra (XLM 971), tatlong piraso ng cellular phone, P3,000.00 cash, digital weighing scale, filter paper, tatlong passports at sari-saring mga dokumento.
Sinabi ng opisyal na posible umanong ginagamit na ‘drying area’ ng shabu ang ikalawang palapag ng nasabing bahay matapos na matagpuan dito ang mga filter paper at kiluhan na ginaÂgamit sa pagre-repack ng shabu.
- Latest