^

Police Metro

Bumoto batay sa inyong konsensiya - Koko

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -Mapatutunayan sa darating na halalan sa Mayo 13, 2013 kung matatalino nang botante ang mga Pilipino sa pagpili ng mga kandidato na nasa isip ang kinabukasan ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Team PNoy senatorial candidate Aquilino “Koko” Pimentel III,dahil sa nahaharap ang mamamayan sa kritikal na halalan kaya’t nananawagan ito sa wastong paggamit ng karapatang bumoto, ang kapangyarihang magagawa lamang ng mga Pilipinong mapagmahal sa kalayaan.

Naniniwala si Pimentel na ang darating na halalan ang magpapa­lakas sa demokrasya at iimpluwensiya sa kalidad ng pamumuno sa susunod na dekada.

Si Pimentel ay pambansang lider na kumakatawan sa Mindanao at Katimugang Pilipinas na kabilang sa 12 pangunahing kontender sa susunod na Senado base sa independiyanteng poll surveys at mock polls.

“Bumoto kayo nang malaya, tanggihan ang anumang panunuhol at politika ng pera,” ani Pimentel. “Bumoto kayo batay sa inyong konsensiya.”

BUMOTO

KATIMUGANG PILIPINAS

MAPATUTUNAYAN

MINDANAO

NANINIWALA

PILIPINAS

PILIPINO

SI PIMENTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with