11 NPA rebels na kotongero sa mga kandidato nasakote
MANILA, Philippines - Nasakote nang tropa ng militar ang 11 pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nangongotong ng Permit to Campaign (PTC) fees sa mga kandidato sa May polls sa isinagawang serye ng security operation sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa.
Dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang isaÂgawa nang tropa ng 56th Infantry Battalion (IB) ang operasyon sa isang liblib na lugar sa Sitio Mahangin, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad na nagresulta sa pagkakaaresto sa 8 NPA rebels extortionist at tatlo pa ang nasakote sa follow-up operations habang lulan ng van na naharang sa Sitio Sapang Linao, Brgy.Kabayunan ng nasabi ring bayan.
Ang mga nasakoÂteng rebelde ay nakilalang sina Rodolfo Cruz, 65, Brgy. Bigte, NorzagaÂray, Rico Vicene, 43, ng San Jose del Monte City, JoÂsefino Lupangco 34, Albertito De Jesus 24, Randy Puno 33, Angel Cabrera 48 kapwa ng Brgy. Salangan, Jayson Valmadrid, 25, ng Brgy. San Juan, Cyrhyl Dela Cruz, 19, ng Brgy. Tibagan pawang sa bayan ng San Miguel Graciano Dela Cruz, Billy Asuncion at William Asuncion, 50 mga residente ng Brgy. Sampaloc, Doña Remedios Trinidad .
Bago ang operasyon nakatanggap ng report ang security forces hinggil sa armadong presensya ng nasa 30 armadong rebelde sa lugar kaugnay ng pagpapakalat ng mga ito ng mga PTC fees sa mga kandidatong kanilang kinokotongan.
Kabilang din sa mga nasamsam sa mga naaresÂtong rebelde ay tatlong cal.45 pistol, apat na hand grenade at isang shotgun habang narekober naman sa van na sinasakyan ng mga ito ang dalawang M14 rifles at tatlong M16 rifles.
Sa tala ng AFP ay umaÂabot sa P25-M ang kinita sa extortion ng NPA rebels habang nasa P300-M naman noong 2011 sa mga higanteng kumpanya at mga kilalang negosyante sa bansa.
- Latest