^

Police Metro

Babaeng kidnaper nasakote

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa namang babaeng kidnaper ang naaresto ng mga otoridad matapos na tangayin ang isang 3-anyos na batang babae na nagla­laro kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang suspek ay nakila­lang si Tessie Lozano, 30-anyos at residente ng no. 1343 Quiricada St., Tondo, Maynila na kasalukuyang nakakulong.

Batay sa ulat, nakita ng lolo ng biktima na si Edgar Granito, residente ng Solis St., Tondo, ang kaniyang apo na itinago sa pangalang “Baby” na umiiyak at ta­ngay-tangay ng suspek.

Agad na humingi ito ng tulong kay Chairman Jaime Angelo ng Brgy. 214 Zone 20 kaya’t hinabol ang suspek ng mga tanod at ilang tambay hanggang sa makorner sa dead end.

Nabatid na naglalaro lamang ang paslit sa tabi ng mga kalaro nang ito ay tangayin ng suspek.

Sa himpilan ng pulisya ay nagpapakita umano ng senyales na may sira sa pag-iisip ang suspek na umamin na  wala siyang pera kaya ibebenta ang bata.

Duda naman ang mga otoridad sa kilos ng suspek na posibleng nais lamang makalusot sa kaso dahil ang kaniyang modus ay tulad din ng isa pang Purification Gozon, 50, ang babaeng tumangay sa 3-taong gulang din na anak ng dentista, sa Tayuman Tondo, Maynila, noong Abril 13.

vuukle comment

ABRIL

CHAIRMAN JAIME ANGELO

EDGAR GRANITO

MAYNILA

PURIFICATION GOZON

QUIRICADA ST.

SOLIS ST.

TAYUMAN TONDO

TESSIE LOZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with