^

Police Metro

Comelec idineklara ang 2 pang lalawigan na hot spotS sa eleksyon

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklara ng Commission on Elections (Comelec) ang dalawa pang lalawigan na ka­bilang sa ‘high risk pro­vinces ‘ kaugnay ng gaganaping midterm elections sa darating na Mayo sa bansa.

Tinukoy ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na dumalo sa com­mand conference sa Camp Crame ang dalawa pang nadagdag sa talaan na kinabibila­ngan ng Misamis Oriental at Sulu.

Ang Misamis Orien­tal ay napabilang sa ‘high risk provinces’ bunga ng naganap na pananambang ng New People’s Army (NPA) rebels noong Abril 20 ng gabi kay Gingoog City  Mayor Ruthie Guingona na ikinasawi ng driver nito at bodyguard habang su­gatan naman ang opisyal at isa sa anim nitong police security escort.

Si Guingona ay misis ni dating Vice President Teofisto Guingona Sr. at ina ni Senador Teofisto “TG”  Guingona Jr.

Dahilan sa banta ng mga rebeldeng NPA na aktibo sa pangingikil ng permit to campaign (PTC) fees sa mga kandidato ay ibinilang ang Misamis Oriental sa high risk provinces kaya’t isang batalyon rin o kabuuang 500 sundalo ng Philippine Marines ang idineploy sa lugar.

Ang Sulu naman ay napabilang sa high risk provinces dahilan sa mainit na labanan sa pa­gitan  ng kandidatong gobernador  na kalaban naman ng anak ni Sulu Gov. Abdusakur Tan na nagkakagirian na sa lugar at humantong pa sa demandahan.

Nauna ng idineklarang high risk areas sa halalan ang 15 lalawigan na kinabibilangan ng Abra, Pangasinan, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Masbate, Samar, Misamis Occidental, Maguinda­nao, Lanao del Sur at Ba­silan.

 

ABDUSAKUR TAN

ANG MISAMIS ORIEN

ANG SULU

CAMP CRAME

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

GINGOOG CITY

GUINGONA JR.

MISAMIS ORIENTAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with