^

Police Metro

Mrs. Guingona sugatan, 2 bodyguard utas sa ambush

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay sa ambush ang dalawang bodyguard ha­bang sugatan si Gi­ngoog City Mayor Ruth Guingona, misis ni dating Vice President Teofisto Guingona  matapos tambangan ng grupo ng hinihinalang rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa may Barangay Binakalan ng nasabing lugar kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nasawi na sina Bartolome Velasco at kapatid nitong si Nelson.

Nagtamo naman ng tama ng bala ang alkalde sa ibabang bahagi ng kan­yang kanang tuhod at braso.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente ganap na alas-10:00 ng gabi habang sakay ang mga biktima ng pickup Hilux at tinatahak ang nasabing lugar papauwi ng kanyang bahay galing sa coronation night sa barangay fiesta sa Alagataan.

Pagsapit sa nasabing lugar ay pinaputukan ang convoy ng mga biktima.

Namatay noon din ang dalawang bodyguard habang nasugatan si Mrs.Guingona at isa pa nitong escort na si PO3 Rolando Venaverito.

 

vuukle comment

ALAGATAAN

BARANGAY BINAKALAN

BARTOLOME VELASCO

CITY MAYOR RUTH GUINGONA

HILUX

NAGTAMO

NEW PEOPLES ARMY

ROLANDO VENAVERITO

VICE PRESIDENT TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with