^

Police Metro

DepEd-Sarangani at SMI, nagtulungan para sa kalidad na edukasyon

Pang-masa

MANILA, Philippines -Nagtambalan ang Department of Education sa Sarangani at Sagittarius Mines Inc. (SMI) upang maitaguyod ang may kalidad na edukasyon sa pamamagitan ng QUEST o Quality Education for Sarangani Today.

Tinipon ni DEC Sarangani Division Superintendent Isagani dela Cruz at ng  SMI ang mahigit 400 boluntaryong guro bilang simula ng 2013 Sarangani Big Brother (SBB) Reading is Fun Program kamakailan sa Alabel, Sarangani. 

Nagkaloob ang SMI ng Fuller Flipcharts bilang suporta sa programa para mapalakas ang kakayahang bumasa at makaunawa ng mga mag-aaral sa elementarya.

Sinaksihan ni Sarangani Governor Miguel Rene Dominguez ang pagtitipon at personal na tinanggap ang mga flipchart. 

“Nakinabang sa prog­rama ang mahigit 27,000 mag-aaral sa nakaraang limang taon at malaki ang iniunlad ng kanilang pagbasa at pag-unawa,” ani Dominguez.

Nagpasalamat din si Dela Cruz kay Dominguez at pinuri ang suporta ng SMI sa programa kasabay ng paghimok sa mga guro na pag-aralan pa ang mga ganitong gawain at ituloy ang kanilang silakbo sa pagtuturo sa mga kabataan ng Sarangani.

DELA CRUZ

DEPARTMENT OF EDUCATION

DOMINGUEZ

FULLER FLIPCHARTS

FUN PROGRAM

QUALITY EDUCATION

SAGITTARIUS MINES INC

SARANGANI

SARANGANI BIG BROTHER

SARANGANI DIVISION SUPERINTENDENT ISAGANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with