^

Police Metro

2 kandidato ng lp, 28 supporters hinuli ng Malaysian police

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Dalawang kandidato ng Liberal Party at 28 suppor­ters ang hinuli at iki­nulong ng Malaysian Po­lice matapos na masiraan ng bangka habang patungo sa proclamation rally sa Tawi-Tawi  noong Lunes at mapadpad sa teritoryo ng nasabing bansa.

Kinumpirma ng Tawi-tawi PNP na noong Lunes ng hapon ay patungo sana sa proclamation rally na inorganisa ni Tawi-Tawi Governor Hadji Sadikul Sahali sa Mapun at Taganak Island ng lalawigan ang mga nasabing biktima.

Sa inisyal na impormas­yon ay napagkamalan ang grupo na mga supporters at reinforcement  ng Sulu Sultanate na pinamumunuan ni Sultan Jamalul Kiram III na target ng all out crackdown ng Malaysian Police kaya inaresto ang mga ito.

Kabilang sa mga hinuli ng maritime police ng Malaysia ay sina Rom­mel Matba, kandidatong Mayor, Amman Matba, kandidatong Vice Mayor; pawang sa bayan ng Langu­yan, Tawi-Tawi at iba pa.

Nabatid na binalya ng malalakas na alon at hangin ang nasabing bangka hanggang sa masiraan ito ng makina habang naglalayag sa bahagi ng karagatan ng Taganak Island hanggang sa mapadpad sa teritoryo ng Malaysia .

Nasagip naman ang mga ito ng Malaysian Police bago pa man lumubog ang bangkang sinasakyan na kung saan dinala ang mga ito sa Sandakan at isinasailalim sa masusing interogasyon sa hinalang mga supporters ni Sultan Kiram.

Sa kasalukuyan, naki­kipag-ugnayan na ang AR­MM government at pulisya sa Embahada ng Pilipinas sa Malaysia para sa pagpapalaya sa grupo nina Matba na napagkamalang  mga supporters nina Sultan Kiram.

AMMAN MATBA

HADJI SADIKUL SAHALI

LIBERAL PARTY

MALAYSIAN POLICE

SHY

SULTAN KIRAM

TAGANAK ISLAND

TAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with