^

Police Metro

Bro. Eddie: Pagkanlong ng liderato ng AFP sa mga sundalo na sangkot sa pagkidnap kay Jonas Burgos tigilan na

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigilan na ang pagkan­long sa mga sundalo na sangkot sa pagdukot sa aktibistang si Jonas Burgos.

Ito ang panawagan ni Bangon Pilipinas Senatorial candidate Eddie Vil­lanueva sa liderato ng militar matapos napatunayan ng Court of Appeals (CA) ang pagdukot kay Burgos sa isang mall sa Quezon City noong April 28, 2007.

Bilang isang dating aktibista noong panahon ng martial law ay naranasan na rin umano ni Villanueva ang hirap at hindi magandang trato ng militar laban sa mga militante.
Hinikayat din ni Villanue­va ang kasalukuyang  liderato ng Armed Foces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na makipagtulu­ngan upang masiguro na mapaparusahan ang mga sangkot sa nasabing krimen na tinukoy ni Editha Burgos, nanay ni Jonas na mula sa Intelligence unit ng Army sa Central Luzon.

Paliwanag pa nito, na ang kautusan ng CA sa kaso ni Burgos ay patunay lamang umano na patuloy pa rin  ginagawa  ng militar ang enforced disappearances laban sa mga lehitimong aktibista hanggang sa panahon na ito kahit na nanumbalik ang demokrasya sa bansa.

Hinamon din ni Villa­nueva ang AFP na patunayan ang pahayag nito na kinokondena nila ang karahasan sa indibidwal sa pamamagitan ng pagpayag nito na sumailalim ang kanilang tauhan sa imbestigasyon ng pulisya at humarap sa korte at ha­yaan ito na ang humatol sa kanila.

Inatasan din ng CA ang  PNP na magsagawa ng malalim na imbestigasyon tungkol dito.

ARMED FOCES OF THE PHILIPPINES

BANGON PILIPINAS SENATORIAL

BURGOS

CENTRAL LUZON

COURT OF APPEALS

EDDIE VIL

EDITHA BURGOS

JONAS BURGOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with