^

Police Metro

Kumalat sa internet… 3 parak nabidyuhan sa paggulpi

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong pulis ang sinibak sa kanilang puwesto matapos na  makunan ng video habang ginugulpi ang isang walang kalaban-labang lalaki sa Paniqui, Tarlac.

Kinilala ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang mga pulis na sinibak at  isi­nailalim na sa restric­ted custody na sina PO3 Richelle Antonio; PO2s Herardo Bermudez at Fernando Acosta; pawang miyembro ng Paniqui Municipal Police Station (MPS).

Bukod dito ay paiim­bestigahan na rin ng lide­rato ng PNP sa  Internal Affairs Service ng Tarlac Police ang kaso ng natu­rang mga pulis na laman ng 39 segundong video ng panggugulpe; na kumakalat ngayon sa internet.

Sa nasabing video ay kinunan ng patago ang tatlong pulis habang kina­kausap at tila nakikipag­talo sa isang lalaki na na­kakulay orange ng t-shirt na kanilang inaresto dahilan sa kaso ng physical injuries.

Mapapanood rin sa video na itinulak ng isa sa mga pulis ang lalaki kaya napasandal ito sa isang na­kaparadang sasakyan kung kaya kinapitan nito ang pulis na tumulak sa kaniya pero sinipa siya ng isa pa na sinundan ng suntok ng pangatlong parak.

Bagaman nanlaban ang biktima ay binigwasan ito  ng isa pang malakas na suntok ng isa pang pulis dahilan upang bumagsak ito.

Kapuna-puna rin na gi­na­wang punching bag ng isa pang pulis ang biktima na pinagsusuntok ng kaliwa nitong kamao sa mukha.

Base sa ulat ng Tarlac Police, inaresto ang la­laki dahilan sa kasong physical injuries at luma­la­bas na kabilang sa nasaktan si PO3 Antonio na nagprisinta ng medical certificate at nagsampa ng reklamo sa hindi pa pina­ngalanang lalaki.

Bagaman ayaw muna ni Cerbo na husgahan ang video ay sinabi nito na hindi dapat gumamit ng marahas na pamamaraan sa pag-aresto sa isang suspek.

BAGAMAN

FERNANDO ACOSTA

GENEROSO CERBO JR.

HERARDO BERMUDEZ

INTERNAL AFFAIRS SERVICE

PULIS

SHY

TARLAC POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with