^

Police Metro

Bro. Eddie kinuwestiyon ang delay sa pagbuo ng HR victims claims board

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon kaha­pon ni Bangon Pilipinas lone senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva ang senseridad ng gobyerno na bayaran ang mga biktima ng human rights noong panahon ng Martial Law dahil  hindi pa rin nabubuo ang Human Rights Victims Claims Board.

Ayon kay Bro. Eddie  hindi na dapat pang pata­galin ang pagpapatupad ng maituturing na ‘landmark’ na Human Rights Reparation and Recognition Act.
Sinabi pa ni Bro. Eddie na nadidismaya na rin ang mga Martial Law human rights victims at pa­milya ng mga ito dahil hindi pa nasisimulan ang pagpapatupad ng Human Rights Victims Reparation and Recognition Act.

Ipinaalala pa ni Bro. Ed­die na ang unang hakbang para sa pagpapatu­pad ng nasabing batas ay ang pagbuo ng Human Rights Victims’ Claims Board na magiging res­­pon­sable sa pagda-draft ng implemen­ting rules and regulations (IRR).

Ang nasabi ring board ang mag-e-evaluate at magpo-proseso ng mga aplikasyon para sa pagbabayad sa mga biktima.

Umaasa umano si Bro.Eddie na hindi magiging ningas cogon ang pagpupursige ng gobyerno na ma­bayaran ang mga human rights victims noong panahon ng Martial Law lalo’t napakahabang pro­seso ang pinagdadaanan ng
panukala bago naging ga­nap na batas.

BANGON PILIPINAS

CLAIMS BOARD

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

HUMAN

HUMAN RIGHTS REPARATION AND RECOGNITION ACT

HUMAN RIGHTS VICTIMS

MARTIAL LAW

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with