^

Police Metro

Driver, hinataw ng baseball bat sa ulo, tigok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang 59-anyos na tricycle driver makaraang hatawin ng baseball bat sa ulo ng isa sa magkapatid na suspek, sa Paco, Maynila,  kahapon ng umaga.

Ang biktimang si Alfredo Manalo, ng  #1647 Int. 13 Pedro Gil St., Paco, Maynila ay hindi na umabot ng buhay sa Santa Ana Hospital.

Arestado naman ang mga suspek  na sina Zaldy Guevarra, 42, karpintero at kapatid nitong si Michael, 36, tricycle driver at kapwa residente ng  #1538 Antonio Isip St., Paco, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Antonio Isip St., Paco.

Pauwi na ang biktima mula sa isang prusisyon at habang naglalakad patungo sa kanilang bahay ay nadaanan nito na nakahambalang ang lasing na si Zaldy na nakahiga sa kalsada.

Hindi umano makadaan ang biktima kaya pilit na pinatatayo nito si Zaldy na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Nang malaman ng kapatid na si Michael ay nagbitbit ito ng baseball bat upang saklolohan si Zaldy. Agad umanong hinataw ng sunod-sunod ang biktima na ikinalugmok nito hanggang sa tuluyang ikamatay.

 

vuukle comment

ALFREDO MANALO

ANTONIO ISIP ST.

ARESTADO

GLENZOR VALLEJO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PEDRO GIL ST.

SANTA ANA HOSPITAL

ZALDY

ZALDY GUEVARRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with