^

Police Metro

Rapist-killer ng bata tiklo sa naiwang tsinelas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang naiwang pares na tsinelas ng isang adik na pedicab driver ang nagpa­hamak sa kanya nang matuklasan ang ginawang panghahalay at pagpatay sa isang 6-anyos na batang babae na ang bangkay ay  kanyang isinilid sa plastic bag at inilagay sa ilalim ng kaniyang kama sa Victoria City, Negros Occidental ka­makalawa.

Sa ulat ni Supt. Ale­xander Muñoz, hepe ng Victorias City Police, dakong alas-11:00 ng Linggo ng umaga nang marekober ang bangkay ng biktima sa barung-barong ng suspek sa Brgy. 16 A, New Barrio ng lungsod.

Sa salaysay ng magulang, ang biktima na si Kim Marie Jane Canete ay nabi­gong umuwi noong Sabado ng gabi sa ka­ni­lang bahay na huling nakitang naglalaro malapit sa barung-barong ng suspek na si  Ricky Gentilizo, 22.

Hinanap ng pamilya ang biktima at dito ay nakita ang naiwang tsinelas ng suspek sa labas ng banyo na gawa sa pawid at kawayan sa lugar na pinaglaruan ng biktima ng may ilang metro ang layo sa bahay  ng suspek.

Kaya’t nagsagawa ng follow-up operations ang pulisya at kanilang ina­resto ang suspek na hindi na nakapalag matapos sa mismong ilalim ng kama niya narekober ang bangkay ng bata na hubo’t hubad.

Inamin din ng suspek na ginahasa at pinatay niya ang bata at plano na itapon ang bangkay kaya’t isinilid muna niya ito sa plastic na tinambakan ng damit sa ilalim ng kaniyang kamang kahoy na hinihigaan at tu­mi­­tiyempo na itapon.

Ang bangkay ng biktima ay hinihinalang tinakpan ng unan sa mukha hang­gang sa mamatay.

vuukle comment

BRGY

KIM MARIE JANE CANETE

NEGROS OCCIDENTAL

NEW BARRIO

RICKY GENTILIZO

SHY

VICTORIA CITY

VICTORIAS CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with