KOKO inendorso ng grupo ni Robredo
MANILA, Philippines - Nagpasalamat si Senador Aquilino “Koko†Pimentel III sa Kaya Natin! Movement for Good GoverÂnance and Ethical Leadership sa pag-endorso nito sa kanyang kandidatura sa pagka-Senador sa halalan sa Mayo 2013.
Inendorso rin ng Kaya Natin ang tatlo pang kasamahan ni Pimentel na sina Bam Aquino, Risa Hontiveros at Jun Magsaysay bilang pagkilala “sa kanilang pagkakatulad sa kahalagahan at kalidad ng lideratong ipinakita ng isa sa mga nagtatag ng grupo na si yumaong Jesse Robredo.â€
“Buong pagpapakumbabang tinatanggap ko ang hamon sa napakalaking gawain na tumugon sa ideyaÂlismo ni Kalihim Jesse.â€
Nangako rin si Pimentel na kapag nagwagi ay kikilos para mas mabigyan ng kapangyarihan ang local government units (LGUs) sa muling pagsasampa sa Senado ng ‘bigger pie, bigger slice’ bill na magkakaloob sa mga pamahalaang lokal ng mas malaking pondo.
Ang kandidatura ni Pimentel ay inendorso rin ng Centrist Democratic Party at ng Makabayan CoaÂlition.
Muli ring inulit ni PiÂmentel ang mga salita ni Robredo na nakatatak sa kanyang isipan nang sabiÂhing “hindi sapat na tayo ay matino lamang; hindi sapat na tayo ay mahusay lamang; dapat matino at mahusay.â€
- Latest